Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana binigyan ng P1M ang ina

0 136

Pagdating sa datung, bigayan ng ayuda, walang makakapantay kay Ivana Alawi.

Bigla ngang naging instant milyonarya ang nanay niya nang bigyan niya ng isang milyong piso (P1M). ‘Yan ang YouTube content ni Ivana, na sinorpresa niya ang ina at binigyan ng 10 magkakahiwalay na cheke na naghahalaga ng P100K bawat isa.

Nasa isang vineyard farm resort sina Ivana sa Batangas kasama ang mga kapatid na sina Hash at Mona, pati ang ina para doon i-celebrate ang birthday ng huli.

Pinakita niya ang sampung cheke at sinabing hindi niya gustong bigyan ng cash ang ina dahil baka mawala ito. Para mas exciting, magkakahiwalay na nilagay ni Ivana ang cheke sa plastic at kinalat sa vineyard.

Binigyan ng time limit ni Ivana ina na kunin ang mga nakasabit at kung ilan ang makukuha nito ‘yun ang premyo.

Hindi magkandaugaga ang nanay ni Ivana na aliw na aliw sa pamimitas ng pera. Umabot ng P700K ang nakuha ng ina.

Dahil para sa nanay naman niya ang pera, hinayaan niyang pitasin pa ang iba pang cheke. Tumitili sa tuwa ang nanay ni Ivana at napasigaw nang “milyonarya na ako!”

Sa kabuuan P1.1M ang natanggap na cash gift ni Mommy Alawi sa mga anak. Isang milyon kay Ivana, P100K kina Hash at Mona.

Sabi ng magkapatid na Ivana at Hash, magagamit rin ang regalo nila sa nanay nila sa pagdu-donate nito ng mga pagkain sa mga nagugutom at ang iba ay sa mga nangangailangan.

Kaya pinagpapala si Ivana dahil likas sa puso nito ang mapagbigay hindi lang sa kanyang pamilya kundi maging sa ibang tao…

Mere Kresmes , bekenemen Ivene! Charrr!!!

Mga Pinoy star nabahala sa pagkawala ng MOA globe

Iba-iba ang reaksyon ng mga Pinoy star sa biglaang pagkawala ng Globe art work sa Mall Of Asia.

Sa tweet ni Gary Valenciano ay hindi niya lubos maisip kung paano nagawang manakaw ng chopper ang globe.

“I thought it was a hoax but apparently it’s true. And no one did anything while the MOA globe was being harnessed and carries away? No one saw it happening? Are choppers even allowed to fly at this time of the night? Who is watching our skies? What’s going on?” tanong ni Gary.

Dinaan naman ni Alessandra sa biro ang pangyayari, at kinabit ito sa isang resource person mula sa Pharmally, na itinanggi ang magarang sasakyan sa kanyang bahay at sinabing nagulat na lang ito na nasa garahe na ang car.

“Nagising nalang ako may globe sa garden namin. So akin na to. I guess. Charot! Sana mahanap sya. Globe, nasaan ka man, sana may signal ka.”

Base sa tweet ni Kim Atienza, isang strategy ang pagkawala ng globe sa MOA.

“Between us, hindi. Naka-welding at may base ‘yun na malalim. If ever it was a gimmick, it’s a good one. The malls lost a lot of business because of the pandemic and need support,” sabi ni Kuya Kim Atienza.

Alahas ni KC mabenta

Gumastos man, magbyahe sa kung saan-saan, o tumira nang matagal sa ibang bansa si KC Concepcion, hindi ito mawawalan ng pera.

Alam niyo bang kahit nasa US si KC ay tumatakbo pa rin ang jewelry business nito. Sa Instagram ni KC ng mga paper bag ng ‘Avec Moi’ jewelry company nito, sinabi niyang patuloy ang service delivery ng kanyang team sa mga patron, client, na nag-order ng mga alahas.

Pinagmalaki ni KC ang mahusay na craftsmanship ng kanilang mga alahas. Bukod sa handcrafted ito maganda ang quality ng mga bato pati ng mga ginto na ginagamit sa kanilang alahas.

Oh, di ba? Ang bongga lang ni KC na kayang mabuhay nang marangya nang hindi na kailangang magpakakuba, magpuyat, umarte sa taping at shooting.

Leave A Reply

Your email address will not be published.