Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana binawalang pumunta sa Visayas, Mindanao

0 312

Malabong makapunta sa ilang lugar sa Visayas, Mindanao si Ivana Alawi. Na kahit gustuhin man niya, pero dahil pinagbawalan siyang tumungtong doon, malamang na hindi talaga niya ipilit ang sarili.

Anyway, delikado at mapanganib kasi para kay Ivana ang magpunta roon, kaya naman ramdam sa kanyang tweet ang lungkot, kabiguan na makita ng personal ang kalunus-lunos na lagay ng mga kababayan natin doon.

Nanawagan ng tulong si Ivana sa mga tagahanga niya. Pa-birthday gift na lang daw sa kanya ngayong December 25.

“Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Excited kasi malapit na ang birthday ko. Blessed kasi kahit ano pa man ang nangyayari sa atin, malapit na ang Pasko and may rason tayo to always smile kasi birthday na ni Papa Jesus. Pero it breaks my hearts dahil hanggang bago matapos ang taon may pagsubok na dumating sa mga kababayan natin na naapektuhan ng bagyong #OdettePH.

“Gusto ko pumunta sa affected areas pero para raw sa safety ng lahat. Ang simpleng magagawa ko lang ngayon ay magpaabot ng tulong sa iba’t ibang lugar kung saan mas kailangan ang tulong ko.

“Guys, maliit man o malaki, sana magbigay din tayo ng pag-asa ngayong Pasko.

“Kahit ‘yun na lang pa-birthday niyo sa akin please…#OdettePh,” sabi ni Ivana.

Makikita sa mga comment ang nakakapangilabot na pagmamakaawa ng mga nasalanta ng bagyo at larawan ng mga nagiba at nawasak na mga bahay.

Dedma muna sa refund: K Brosas naudlot bakasyon sa Siargao

Dahil sa bagyong Odette, napurnada ang dapat sana ay New Year salubong ng mag-inang K Brosas at Crystal sa Siargao. Ang Siargao ang isa sa winasak ng bagyo.

Binahagi ng komedyante ang pagkadismaya niya sa nai-book na ngang bakasyon kasabay ng panawagan nito sa ibang mga gaya nyang bakasyunista na ‘wag gipitin ng refund ang mga hotel & resort owners sa Siargao.

“Dapat sa Siargao kami ng anak ko mag new year, bayad na lahat…pero sobrang nakaka-sad mga kaganapan, nag email ako at txt sa resort para kumustahin, 3 days na hindi sumasagot…wala kc siguro kuryente at signal, ‘wag muna tayo mag-refund lalo na sa mga maliliit na resorts.

“Dahil sa devastation na nangyari, kelangan nila ‘yun para makabangon… ‘wag na muna natin isipin na ‘di natuloy bakasyon…tumulong na lang tayo sa kahit anong paraan. Anyway sa bravo resort sa Siarago sana po safe kayo at lahat na rin ng naapektuhan ng bagyo…” sabi ni K.

Derek, Ellen sosyo sa negosyo

Nagsimula na ang sosyohan sa negosyo ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna. Isa itong Ice plant sa Bulacan, na ibinahagi nina Derek at Ellen sa Instagram.

Pinasilip ni Derek sa IG wall ang video ng planta, kasama si Ellen at ang owner ng naturang negosyo.

“Congratulations to us @mrfreezeice @maria.elena.adarna for the opening of our Balagtas Bulacan ice plant. Thank you Lord for the Blessing,” sabi ni Derek.

Ayon kay Derek, ito ang kauna-unahang business venture nila ng asawa.

Arci nagpa-tattoo sa Tate

Hindi nasunod ang pangako ni Arci Muñoz na hinding-hindi na siya magdadagdag ng tattoo sa katawan, dahil hayun at muling nagpapinta ang aktres sa US.

Nagpa-tattoo si Arci sa likod ng kanyang tenga. Binahagi ng aktres sa Instagram pagpapa-tattoo sa New York.

Isang simpleng tattoo lang ‘yon, at babae rin ang gumawa ng art.

Hindi mahahalata ang tattoo sa haba at kapal ng buhok ng aktres.

Rita nakaipon ng datung dahil kay Ken

Madadagdagan na naman ang mga investment, business ni Ken Chan, dahil plano niyang magpatayo ng Christmas Cafe.

Excited na binahagi ng Kapuso star ang plano niyang ‘yon nang makapanayam namin siya para sa ‘Abantelliling’.

Layunin ng Cafe-Resto na magkaroon ng Christmas feels kahit hindi December.

Well, milyonaryo na talaga si Ken sa dami ng negosyo niya.

Sumusunod siya kay Alden Richards sa pagiging negosyante.

At siyempre, naimpluwensyahan din ni Ken ang ka-love team niyang si Rita Daniela na mag-ipon ng pera.

Sey ni Rita, dati ay magastos siya, pero ngayon ay natuto na siyang magtabi ng datung at gusto na rin niyang magnegosyo.

Magkasama nga pala sina Ken at Rita sa pelikulang ‘Huling Ulan sa Tag-Araw’ na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Leave A Reply

Your email address will not be published.