Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana ayaw maging ahas

0 242

Ayaw pang ikuwento ng isang taong malapit kay Ivana Alawi kung ano ‘yung teleseryeng gagawin ng top social media influencer sa ABS-CBN.

Mali naman daw kasi ‘yung unang kuwento na mas gustong mag-YouTube vlog na lang ni Ivana at ayaw mag-lock-in taping.

Nagsimula na ang meeting ng Kapamilya Network at management team ni Ivana tungkol sa proyektong ‘yon na malamang daw ay sa January simulan.

And yes, Dondon (my dear editor), hindi rin naman nakapagtataka na hindi napasama si Ivana sa ‘Darna: The TV Series’ ni Jane de Leon at si Janella Salvador ang napiling Valentina roon dahil hindi naman talaga in-offer ang nasabing role sa sexy actress-social media influencer, ‘noh?!

‘Yun na!

***

Sino ba si beautiful girlfriend?

Dahil sa isang Instagram posting ni Kris Aquino na kasama ang mga linyang, “It’s common knowledge that you’re now in a new relationship with a beautiful girlfriend… so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past” – marami tuloy ang interesadong malaman kung sino nga ba ang bagong karelasyon ng ‘the man that Mel (Sarmiento) confronted’?

Obvious naman kung sino ang tinutukoy ni Kris na kinompronta ng kanyang fiancé, pero ang posting kayang ‘yon ni Kris ang maging daan para umamin na ang taong ‘yon sa talagang estado ng kanyang love life?

Maging open na kaya ang taong ‘yon tungkol sa kanyang beautiful girlfriend?

Well, ‘yon ang inaabangan ngayon ng marami!

Bongga!

***

‘Flower’ ni Lovi maamoy na sa Nov. 27

Sabi naman ng isang malapit kay Lovi Poe, ang simula raw ng lock-in taping ng ‘Flower Of Evil’, ang first ABS-CBN teleserye ng actress-singer, ay sa November 27, pero hanggang December 12 lang daw ang first cycle ng kanilang ‘bubble’.

Malamang, next year na nila itutuloy ‘yon at magki-Christmas break na rin.

Kahapon ginanap ang face to face story conference ng Pinoy adaptation ng nasabing Korean series at nag-look-test na rin sila.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.