Una sa Balita

Ivana Alawi sabik na sa lalaki

0 1,170

Sunod-sunod ang blessing na dumarating sa sexy vlogger, actress na si Ivana Alawi. Matapos pu­mirma ng exclusive contract sa ABS-CBN, bibida na siya agad sa seryeng “Ang Lihim ni Ligaya”.

At hindi lang ‘yan ang dapat abangan kay Ivana, dahil nitong Feb. 21 ay ini-release na ang debut single niyang may title na “Sana All” na available na sa mga digital platforms.

Ang kanta ay tungkol sa magaganda pero wala namang dyowa, kaya napapasabi na lang na ‘Sana All’. May lyrics pang “J-O-W-A where na you?”

Ano ba kasi ang type mo, Ivana? Kung okay na sa’yo ‘yung napapatawa ka lagi, cute at mapagmahal, andito lang ako! Hahaha! Single ako, single ka, so tayo na? Ambilis!

Seriously, strike while the iron is hot ngayon si Ivana. Palagay ko, mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang blooming career kaysa maghanap ng dyowa.

Vice Ganda nilamon ng ‘Tiktok’

May bagong pinaglalabasan ng kulit ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda. First time nga niya na magkaroon ng Tiktok account, at kitang-kita sa kanya ang pagkahumaling niya rito.

“My first tiktok post! Awwwww! I’m so shy!!!!”

“Uuuuuuuuyyyyyy follow nyo naman ako para chumugug man lang ng 100 ang followers ko! Lolz,” magkasunod na tweet ni Vice na naghihimok sa kanyang mga follower.

As of now, may 159K followers na sa Tiktok ang komedyante. Kapansin-pansin din na iisa lang ang kanyang fina-follow sa Tiktok, at wala itong iba kundi ang dyowa niyang si Ion Perez. Sweet!

“Posted another tiktok with Ion this time!!! waaaaaahhhh #UntiUntiNgNilamonNgTiktok,” tweet pa nitong muli.

Siyempre pa, may Tiktok version siya ng in ngayon na dance craze na “Ay Barbie, sabi ko na!” bilang maituturing nga siya na reyna ng sangkabekihan.

Expect more videos mula kay Vice na for sure ay kagigiliwan ng kanyang mga fan.

Dumarami na nga rin ang naaadik sa Tiktok, ilan sa mga ito ay sina Meg Imperial, Jodi Sta. Maria, Amy Perez, at isa sa may pinakamaraming views ay ang entry ni Edgar Allan Guzman kung saan sinayaw nga niya ang “Barbie” craze.

May Tiktok na din ako pero need ko pa magkaroon ng kapal ng mukha, hahaha! For now, watch and learn muna ang peg ko. Mauna muna si Athena. Hahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More