Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana Alawi, pinakabagong miyembro ng Siomai King family

0 187

Mula sa kanyang mga trending vlog at post online at mga nagmarkang role sa telebisyon, makikilala na rin ngayon ang phenomenal vlogger-actress na si Ivana Alawi bilang pinakabagong brand ambassadress ng Siomai King, “Ang Hari ng Siomai”!

Ang pinakabagong Siomai King brand ambassadress na si Ivana Alawi kasama ang mga top executive nito
na sina Jonathan So (President at CEO) at Carlito Macadangdang (Vice President at CFO).

Napili ng Siomai King si Ivana bilang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya upang makatulong ng malaki sa kanilang adhikain na maipakilala pa sa mas nakararaming tao ang isang abot-kaya at napapanahon na negosyo na makapabibigay sa kanila at nakapagbigay na rin ng pagkakataon sa marami na kumita ng extra nitong pandemya at new normal.

Ang phenomenal vlogger-actress na si Ivana Alawi ang pinakabagong Siomai King brand ambassadress.

Ang Siomai King ay ang flagship brand at isa sa mga food cart franchise concept ng JC Worldwide Franchise Inc. Mayroon na itong mahigit 1,000 food cart outlets sa buong bansa at labing-apat na taong exposure sa local franchise market. Ngunit matatandaan din na maraming kumpanya ang nagsara nitong pandemya at marami rin ang nawalan ng pagkakakitaan.

Opisyal nang kabilang sa Siomai King si Ivana Alawi sa kanyang pagpirma ng kontrata sa kumpanya
kasama ng mga may-ari nito na sina Jonathan So at Carlito Macadangdang.

Dahil dito, inilunsad ng JC Worldwide at Siomai King sa pangunguna ng kanilang President at CEO na si Jonathan So at Vice-President at CFO na si Carlito Macadangdang ang kauna- unahang “Online Food Franchise” na negosyo sa bansa—ang Siomai King Online Franchise Business—upang hindi lamang maitawid ang kanilang mga empleyado at franchisees ngayong pandemya, kundi ay higit sa lahat, ang makatulong sa kanilang mga kababayan na nawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng alternatibong mapagkakakitaan.

Mainit na tinanggap ng mga top executive na sina Jonathan So at Carlito Macadangdang si Ivana Alawi sa
pamilya ng Siomai King.

Ang nasabing online franchise business ay naging trending sa mga netizen dahil maaari nang magkaroon ang isang online franchisee ng kanyang sariling food franchise business sa abot- kayang kapital at higit sa lahat, kumita kahit nasa bahay lang. Ito ay dahil Siomai King na rin mismo ang bahalang magproseso ng mga order, mga bayad at pati na rin komisyon ng isang online franchisee sa pamamagitan ng personalized shoplink para sa bawat franchisee. Para kumita, kailangan lang na i-post at i-share ng isang online franchisee ang kanyang shoplink upang doon mag-order ang kanyang mga customer.

Ang pinakabagong miyembro ng Siomai King family na si Ivana Alawi kasama ng kanyang mga paboritong
pagkain mula sa Siomai King.

At ngayon, kasama ng kanilang pinakabagong brand ambassadress na si Ivana Alawi, ninanais ng Siomai King na maihatid pa ang kanilang mensahe sa mas nakakaraming tao upang makatulong sa kanila hindi lamang upang malagpasan ang pandemya, kundi pati na rin makapagbigay ng alternatibong pagkakakitaan sa lahat sa new normal at sa dadating pang mga taon.

Naghahanap ka ba ng alternatibong mapagkakakitaan ngayong new normal? Sagot ng Siomai King ‘yan!
Maging online franchisee na!

Bisitahin ang Siomai King website – www.siomaiking.ph.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.