Una sa Balita

IVAN, JAK, ADDY AT KEN, SUMABAK SA HOT AT SIZZLING CONSEQUENCES!

By
0 106
Ivan, Ken, Solenn, Rhian, Addy, at Jak
Ivan, Ken, Solenn, Rhian, Addy, at Jak

Isang fresh, fab, at fun board game date kasama ang mga macho at gwapong bida ng Meant To Be sa Taste Buddies ngayong Sabado (Jan. 21). Makakasama nina Taste Buddies hosts Solenn Heussaff at Rhian Ramos sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj sa isang intense tournament with hot at sizzling consequences.

Bukod sa mahigit 700 games na pagpipi­lian sa Onboard Game + Gastro Pub, napakarami rin nilang food selections. At hindi papalampasin ng Japanese food lovers na sina Solenn at Ken ang matutunan kung paano inihahanda ang best seller nilang Nacho Hai o fried wanton chips with Japanese toppings at sauces.

Mayroon ding wide selection of drinks ang ­Onboard Game + Gastro Pub – mula juice blends, mocktails, cocktails, craft beers at liquors by the bottle. Pero ang must-try raw dito ay ang ‘Mega Milkshake’. Aalamin pa ng Meant To Be boys kung paano gumawa ng ‘Ferrero Nutella Landslide’.

Samantala, sino kaya ang masuwerteng ka-Taste Buddy ang napili ng programa via sa Facebook “Guess Where” segment na makakasama nila sa sweet and special tikiman na ito?
Abangan ‘yan bukas sa Taste Buddies, 8:15 p.m. sa GMA News TV.

Barbie, gumuho ang mundo!

And speaking of Mean To Be, wala sa sarili si Billie (Barbie Forteza) sa trabaho. Mapag-iinitan siya ni Yuan.

Sa awa naman ni Ethan kay Billie, hahatakin niya ito sa food truck niya kung saan nagpapakain siya sa mga batang kapus-­palad. Gagaan ang loob ni Billie. Bibilib din siya sa kabaitan ni Ethan. Kasabay nito, pupuntahan ni Mariko si Jai sa sports bar. Yayayain siya ni Jai na kumain sa labas.

Habang nakikipag­laro si Billie sa mga bata sa food truck, ­mariri­nig niya si Ethan na nakikipagtalo na naman sa ina niya sa phone. Papayuhan ito ni Billie na makipagbati na. Bago matapos ang araw, aalukin ni Ethan si Billie na magtrabaho sa food truck niya every weekend. Papayag si Billie. From then on ay magiging close na ang dalawa.

Isang araw, kakausapin ni Wilton nang masinsinan si Amelia. Magkakaayos sila at makakabalikan.

Malalaman ni Suzy mula sa isa niyang kaklase na dumating na si Beatriz. Tatawagan niya ito para yayain na mag-lunch. The following day, magkikita sina Amelia, Wilton at Beatriz sa restaurant. Magugulat ang mag-asawa sa ­planong ito ni Suzy. Kasabay nito, darating naman ang isang babae sa food truck ni Ethan, si Mia, ang girlfriend ni Ethan. Siya pala ang tinatawag na ‘Mi’ ni Ethan na inakala ni ­Billie na mommy niya. ­Guguho ang mundo ni Billie!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy