Una sa Balita

IU mainit na sinalubong sa ‘Pinas

0 327

Panaginip nga ba? Tila hindi makapaniwala ang mga Pinoy fan na dumating na sa Pilipinas ang isa sa kanilang mga Korean idols na si Lee-Jee Eun o mas kilala bilang IU.

Halos hindi na malaman ng mga fan kung paano kumalma nang malaman na nakatapak na sa Manila si IU at talagang ‘di maitatanggi sa ingay sa social media ang kanilang excitement na makita ang Korean star para sa gaganaping show niya sa Araneta Coliseum ngayon for the first time. Maghahandog nga siya ng special song na dedicated lamang para sa mga Filipino fan niya.

May mga kumakalat din na video na makikita kung paano makipag-interact ang Korean star sa kanyang mga fan as soon as makarating siya sa NAIA. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More