Una sa Balita

ITSURA NI ATE VI, NILAIT!

By
0 29

Nakiramay si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa burol ng yumaong Manunuri member, writer at former TV host na si Mario Herrnando sa Mt. Carmel Church nu’ng Miyerkules ng gabi.

Dumiretso siya sa wake after ng session sa Kongreso at tumagal nang mahigit dalawang oras.

Naabutan ni Cong. Vi sa burol sina Bibeth Orteza, Direk Emmanuel Borlaza, Manunuri member and former TV host na si Butch Francisco at nag-abot din sila ng former MTRCB Chairman Toto Villareal.

Cremated na ang labi ni Mario kaya pinag­lamayan ang abo niya habang katabi ang isa niyang masayang picture.

Huling nakita ni Ate Vi si Mario nu’ng nakaraang Gawad Urian. Wala siyang kaalam-alam na meron itong dinaramdam na sakit.

Eh, nitong nakaraang mga araw, dumalaw din siya kay Manay Ichu Maceda na nasa ospital.

Isa si Manay sa mga taong nakatulong sa kanya nu’ng panahong may problema siya sa pera.

“Nakaka-miss talaga ang showbiz. Pamilya ko na kasi ito eh. Huwag lang naman sana sa ganitong okasyon tayo nagkikita-kita,” bulong sa amin ni Cong. Vilma.

Buhos din kasi ang oras niya sa Kongreso. Bukod sa pagdalo sa sessions, subsob pa rin siya sa pag-aaral ng batas.

“Mahirap din kasing magmukhang wala kang alam ‘pag nagdedebatehan na sa committees,” saad niya sa amin.

Bakit hindi kasi siya bumalik sa pagiging governor?

“Hindi ko naman kasi pinaplano ‘yan eh. At least sa Congress may mga break sa session.

‘Pag nasa executive ako, 24/7 ang trabaho ko. Kung pinaplano ko ang political career ko, tumakbo na sana ako bilang Vice President,” rason ng kongresista.

Eh, kelan naman siya gagawa uli ng pelikula after ng successful niyang Everything About Her na kumita na eh, nakatanggap pa siya ng Best Actress Awards?

“Wala pang magandang story eh. Gusto ko namang may bagong ipapa­kita once gumawa uli ako ng movie.

“May sinabi sa akin si Direk Joyce Bernal. ‘Yung pagsasamahan namin ni Judy Ann (Santos).

vilma-santos
Congresswoman Vilma Santos-Recto

Maganda ‘yung idea dahil bago. Pero sabi ko, script muna ang gusto kong mabasa,” katwiran ni Cong. Vilma.

Anyway, nitong nakaraang Star Awards, nakatanggap siya ng panla­lait dahil sa eyebags niyang kitang-kita sa kamera at pictures na naglabasan sa social media.

Hindi kasi alam ng mga nanira sa kanya na the day before the awards night, dinale siya ng kanyang ulcers at hindi nakatulog.

“Hayaan na lang natin sila. Hindi na ako naaapektuhan ng ganyang paninira. Saka masama bang maging pangit? Hindi nila alam ang story behind it kaya malaya silang sabihin ang gusto nilang sabihin.

“Kinaya ko naman kasi ang katawan ko that night kahit may dinaram­dam pa rin ako. Mas marami naman siguro akong napasaya nu’ng Star Awards, ‘di ba?” paliwanag ni Ate Vi.