Una sa Balita

‘It’s Showtime’ inireklamo sa MTRCB, DSWD

By
0 2,964

KUNG may nagpasensiya sa ‘offensive joke’ ni GirlTrend Erin Ocampo ng ‘It’s Showtime’ sa kanilang segment na ‘PUROKatatawanan’, mas marami ang dismayado.

Maging ang non-profit organization na NORFIL Foundation ay nabahala sa binitawang joke kaya nanawagan ang grupo sa Department of Social Welfare Development (DSWD) at Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na kastiguhin ang show.

“This kind of insensitive and ignorant joke should not be tolerated and taken lightly. We hope that the media, as a powerful influence should convey proper information about legal adoption. As an adoption agency, we are calling for support and proper corrective action regar­ding this issue especially from MTRCB and Department of Social Welfare and Development,” nakasaad sa FB page ng NORFIL.

Mababasa naman sa Facebook page ng ‘It’s Showtime’ ang mga negatibong komento sa pangyayari lalo na sa baguhang host na bumitaw ng biro.

Bagama’t nauna nang humingi ng paumanhin ang show sa pamamagitan ng isa sa host na si Amy Perez sa saltong joke ay hindi pa absuwelto sa ilang tagasubaybay ng show ng ABS-CBN ang pasimuno ng ‘offensive joke’.

Ayon sa isang netizen na si Jojo Cruz, dapat ay maging responsable ang mga host sa binibitawan nilang biro.
@Jojo Cruz: “Regar­ding “AMPON” joke by Erin. Dapat yan res­ponsible sa sinasabi lalo na kung public pa makaka­rinig at kung sincere dapat personal ang paghingi ng apology.”

@Mha Nya “Ay oo nga, ka-offend un”

@Nathaniel Cnco Hubilla “Di ako maka-move on sa sinabi ng Erin na yan ! Ang yabang at ang arte ! … Erin di ka pa masyadong sikat uy !!! Ang yabang mo na agad ! Sana tanggalin na yang Erin na yan sa GT. Nakakasura ang pagmumukha ..”
@Ahrani R. Rabang Tungkol sa joke na panu gumawa ng pangit aa anak.. hays.. yung Team Girls naman pinayagan pang bitawan ‘yung joke na yun.. sinabi na nga ni Anne Curtis na Erin bahala ka diyan. Wala akong kinalaman diyan. Pero binitiwan parin.. hays isip- isip kasi bago mag bitaw”

@Jenny Ilagan “Dear showtime. Yung joke nyo kahapon sa PURO KATATAWAN. Yung joke ng isang girltrend ay hindi nakakatuwa. Bilang isang ampon. hindi namin kasalan na inampon kami o hindi namin kilala ang tunay na mga magulang. masyado ako o kami nasaktan sa biro.”

@Judy Ann Dionisio “Pare Maganda lang sa mukha. Yung ugali nakakasuka. Gwapo nga ni Jimboy e. Jokes are half mean of truth. Kaya wag masyado magbitiw ng joke na ikaka offend ng kapwa nyo. Walang respeto. Pakialis nalang yung Girltrends sa show para bumalik yung gana namin manuod ulit ng show nyo. Pati mga shows medyo boring na lahat. Sorry. ??”

@Shara Mamalis “Very unprofessional ??”

Matatandaang na­ging negatibo sa panlasa, pandinig at pakiramdam ng mga netizen, mga fan ang binitawang joke ni Erin noong Huwebes para sa segment nilang PUROKatatawanan.

Naging maagap naman ang pamunuan ng ‘It’s Showtime’ sa pagbibigay ng apology sa lahat ng na-offend sa naging joke.
Nag-ugat ito sa palitan ng joke nina Erin at ng Hashtag member na si Jimboy Martin na para raw makagawa ng pangit na anak, itanong daw sa totoong magulang dahil ampon ito.

Nakasaad sa kanilang statement na, “Kahapon po, sa aming pananghalian, yung ‘Puro Katatawanan’ ay nagbitaw po ang aming kasamang si Erin Ocampo ng hindi magandang biro tungkol po sa mga ampon, na nakasakit po sa damdamin ng publiko.”

“Ang buong programa po ay humingi ng paumanhin at hindi po namin intensiyon na mawalan ng respeto at gawing katawa-tawa ang marami pong tao.”

“Magtiwala po kayo na mas lalo po kaming magiging maingat, responsable, at sensitibo sa amin pong mga salita para sa kasiyahan po ng lahat.”

“Muli ang amin pong paumanhin sa lahat at mahal po namin kayo madlang people. Mara­ming salamat po.”