Itinumba habang naglalako ng shabu

By

Bumulagta ang isang lalaking ‘naglalako’ ng shabu sa lugar ng Pasig river sa may Muelle Dela Industria Binondo, Maynila matapos na manlaban sa mga pulis na nag ‘set-up’ sa kanya, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni SPO4 Glenzor Vallejo, ang suspek na si alyas ‘Homeboy’, may edad 45-50, may taas 5’4-5’6, nakasuot ng kulay pulang t-shirt at camouflage short pants, miyembro ng Batang City Jail, may tattoo na ‘Barok’ sa kanang hita at sa kaliwang hita naman ay ‘Aliza’.

Naganap umano ang insidente dakong alas-otso ng gabi sa may kahabaan ng Juan Luna St. corner Muella Dela Industria pero dakong alas-kuwatro ng madaling-araw nang masawi ang biktima habang ginagamot sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH).

Sa imbestigasyon, nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya na si alyas ‘Homeboy’ ay naglalako ng shabu sa mga drug usher na naka­tira sa may bahagi ng Pasig River sa may Muella Dela Industria, Binondo, Maynila.

Sanhi nito isinet-up ng mga pulis si ‘Homeboy’ kung saan si PO1 Lawrence Legaspi ang umaktong poseur buyer.

Nang maisagawa ang pagbili ng shabu, sumenyas si Legaspi at dito na nakahalata ang suspek na kaagad bumunot ng baril.

Nang makita ni PO1 Manny Montemayor na nanganganib ang buhay ni Legaspi pinaputukan na niya ang suspek.

SHARE