Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Itim na Nazareno dumalaw sa Baguio

0 222

LABIS na ikinagalak ng mga deboto ng simbahang katoliko sa Baguio City ang pagbisita sa kanila ng Black Nazarene noong Martes.

Sa report, bandang ala-1:00 ng hapon nang dumating sa nasabing siyudad ang Itim na Nazareno at dinala sa Divine Mercy Church sa Atab, Marcos Highway saka nagsagawa ng prusisyon at idinaan sa bisinidad ng University of the Philippines (UP)-Baguio patungong Session Road.

Dito, dumiretso ang Black Nazarene sa Magsaysay Avenue patungong Bonifacio Street at Fr. Carlu Street at ang pinal na destinasyon ay sa Baguio Cathedral of Our Lady of the Atonement.

Ayon sa opisyal ng simbahan, idinaos ang eucharistic celebration sa Baguio Cathedral alas-5:00 ng hapon na pinangunahan ni Diocese of Baguio-Benguet Bishop Most Rev. Victor Bendico at sinundan ng prayer vigil alas-6:00-9:00 ng gabi noong Martes.

Napag-alaman na mananatili ang Nazareno sa Baguio Cathedral hanggang ngayon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.