Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Itim na Nazareno 1 buwan idudungaw imbes pahalik

0 138

Matapos ianunsyo ang pagkansenla sa Traslacion para sa 2021, kaugnay sa pista ng Itim na Nazareno, hinayag ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ang kanilang napagkasunduan kasama ang lokal na pamahalaan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo church, napagkasunduan na bukod sa pagdadagdag ng misa upang maiwasan ang pagsisiksikan, isasagawa rin ang pagdungaw ng Itim na Nazareno sa balkonahe para sa mga deboto na tatagal ng isang buwan mula Disyembre ngayong taon, imbes na ang tradisyonal na pahalik.

Plano rin umano na ilibot ang imahe ng poon sa iba’t ibang panig ng bansa para hindi na mapilitan ang mga nasa probinsya na magpunta sa Maynila.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.