Una sa Balita

Itatayong presinto sa Maynila, ‘One of the best’ sa bansa

By
0 980

Maaari umanong ihanay sa mga pinakamaganda at pinakamodernong istasyon ng pulisya sa buong bansa ang itatayong bagong gusali ng Police Station 3 sa Maynila.

Sinabi ni Manila 3rd district Rep. Yul Servo Nieto na maipagmama­laki ng Manila Police District (MPD) ang itata­yong bagong presinto dahil nangako rin sa kanya si Philippine National Police (PNP) Director Ge­neral Oscar Albayalde na tutulungan siyang makumpleto ang mga kailangang kagamitan dito.

Dagdag ni Nieto na pinamunuan ang groundbreaking ceremony ng itatayong istasyon sa kanto ng Lacson Avenue at Tayuman st., sa Tondo kahapon nang umaga, isa ito sa kanyang pet pro­ject na layong mailapit sa komunidad ang serbisyo ng pulisya.

Mismong ang kanyang amang si Architect Glen Martin Nieto aniya ang nagdisenyo ng istraktura na hango sa disensyo ng mga gusali sa makasaysayang Intramuros.

Paglalaanan ang proyekto ng P68.8 milyon at inaasahang matatapos ang konstruksyon nito sa loob ng limang buwan.

May apat itong palapag at magkakaroon ng maayos na bentilasyon para sa mga kulungan ng mga babae at lala­king preso.

Idiniin ni Nieto na walang pondo mula sa lokal na pamahalaan ang gagamitin para sa pagli­lipat ng Station 3 na kasalukuyang nasa kubling lugar ng Central Market sa Maynila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy