Una sa Balita

Itama ang mali, maging tapat

0 263

Dear Abante,
Hindi ko lubos maisip na ganu’n na lamang ang pag-iisip ng kapwa ko Pilipino.

Mahal ba talaga natin ang bayan? May malasakit ba talaga tayo sa pag-unlad?

Para ba talaga sa pagbabago kaya tayo bumuboto? Nalulungkot ako nang Makita ko ang resulta. Biruin mo parang bangungot ang nangyarari.

Saludo ako sa mga kapwa ko Pilipino sa kanilang pagboto.

Marahil ito ang repleksyon sa mga mamamayang nakatira sa ating bansa. Isang ebidensya na bulok ang ating sistema sa lipunang ating kinabibilangan.

Mas gusto nila ‘yung maganda ang itsura kaysa sa edukadong politiko at makabayan. Kesyo kapag edukado ay malalamangan lang ang taong bayan.

Nariyan na iyan, makikita na lang natin ang resulta kapag sila na ang nakaupo.

Magiging maayos ba ang perlas ng silanganan o magiging magulo ito?

Gayunpaman, binibigyan pa rin tayo ng Diyos ng kapangyarihan para ayusin ang ating hinaharap. Itama ang mga mali, maging tapat sa taumbayan.

Bilang isang taong biniyayaan ng edukasyon, Tayo ang bagong henerasyon sa susunod na halalan ay maging matalino at mapanuri sa karapat-dapat na susunod na lider ng ating bayan.

Poi ng Pasig

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy