Una sa Balita

Italy magkakaroon ng climate change subject

0 281

SIMULA taong 2020, required nang matuto tungkol sa climate change at sustainability ang lahat ng mga mag-aaral, sa lahat ng antas, sa Italy.

Nasa 33 oras kada taon ang isasama sa educational curriculum ng lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa para aralin ang mga isyung kaugnay ng climate change, ayon kay Education Minister Lorenzo Fioramonti ng political party na Five Star Movement.

Ilalagay ito sa kasalukuyang civics class ng mga paaralan, na magkakaroon na umano ng ‘environmentalist footprint’ sa darating na Setyembre 2020, sabi ng ta­gapagsalita ni Fioramonti na si Vincenzo Cramarossa sa CNN.

Dagdag niya, ipapasok din ang usapin ng sustainable development sa mga subject na geography, math, at phy­sics.

Tutulungan ng panel of scientific experts ang Education Ministry upang i-redevelop ang national curriculum para pagtuunan ng pansin ang climate change at sustaina­bility, sabi pa ni Cramarossa sa CNN.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy