Una sa Balita

Italian national nawalan ng  P200,000 sa Ativan Gang

By
0 63

Nawalan ng aabot sa P200,000 ang isang  Italian national matapos na mabiktima ng mga miyembro ng Ativan Gang kamakalawa ng hapon sa Maynila.

Dumulog kahapon sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang biktimang si Gianluca Cernigliaro, 36, nanunuluyan sa Z Hostel sa Barangay Poblacion, Makati.

Nabatid na namamasyal umano sa Luneta Park dakong alas-tres ng hapon ang biktima nang lapitan ng nagpa­kilalang si Analyn Castro at kanyang kapatid na si James Soriano at kinaibigan ang biktima.

Nag-alok umano ang dalawa sa biktima na ipapasyal siya sa Chinatown at Binondo Church.
Nakuha umano ng mga suspek ang tiwala ng biktima kaya matapos mamasyal niyaya ng dalawa ang biktima na kumain at isinama siya sa Caloocan.

Huli na nang malaman niya na nawawala ang kanyang cash at Visa debit card at nakapag-withdraw na ng P193,128.00 mula sa dalawang branch ng Banco De Oro sa Maynila at Caloocan.