Una sa Balita

Isyung diskriminasyon

0 569

Naging bukambibig nitong mga nakaraang araw ang salitang “diskriminasyon” dahil sa dalawang magkahiwalay na insidenteng nangyari na kinasasakutan ng isang transgender lady [beki], at isang babaeng may kapansanan o person with disability (PWD).

Unang pinag-usapan ng netizens ang social media post ni Nancy Boroc ng Calbayog City, na umani ng simpatiya sa marami dahil hindi siya pinapasok ng guwardiya ng Bureau of Internal Revenue sa nabanggit na lugar dahil naka-shorts lang siya. Katuwiran daw kasi ng sekyu, nag-labas ng memo ang tanggapan na huwag papasukin ang mga naka-shorts.

Ang problema, walang mga binti si Nancy kaya walang dahilan para mag-long pants siya. Pero puwede naman siguro siyang magpalda dahil nakakatayo naman si Nancy sa kaniyang mga tuhod. Iyon nga lang, may kapansanan si Nancy kaya dapat nagbigay ng konsiderasyon ang sekyu alinsunod na rin sa Magna Carta for PWD o person with disability.

Ganunpaman, pina-yagan din ng sekyu si Nancy na makapasok sa tanggapan ng BIR nang bumalik siya kinalaunan kahit naka-shorts pa rin. Humingi rin ng paumanhin sa kaniya ang tanggapan ng BIR.

Matapos ang insidente kay Nancy, pumutok naman ang istorya ng transgender woman na si Gretchen Custodio Diez. Pina-labas daw ng isang janitress si Diez sa cr ng mga babae sa isang mall sa Quezon City at pinalilipat siya sa cr ng mga lalaki. Humantong ang istor-ya sa pagposas kay Diez at nadala pa siya presinto dahil nagkaroon sila ng komprontasyon ng janitress matapos na i-video ni Diez ang kanilang balitaktakan.

Bilang isang transgender woman, tila alam ni Diez ang mga karapatan na nagpoprotekta sa LGBTQIA+ community tulad ng ordinansa sa Quezon City tungkol sa gender equality. Pero ang kawawang janitress na hindi natin alam kung hanggang saan ang tinapos sa pag-aaral, tila ang nasa isip lang ng sandaling iyon eh para sa babae lang ang CR na pambabae.

Related Posts

Sa mga nabasa na-ting komento at opinyon na lumabas sa social media, marami ang nagpahayag na dapat hayaan ang mga transgender woman na gumamit ng cr na pambabae “lalo na” kung mukha na talaga silang babae. May mga nag-aalinlangan din naman na baka nais lang ng kawawang janitress na protektahan ang mga babae sa mga posibleng nagpapanggap lang na beki.

May nagsasabi rin na dapat bigyan na ng sa-riling cr ang LGBTQIA+ para matapos na ang balitaktakan kung saan sila dapat mag-cr. Kung tutuusin, mainit na isyu din ito maging sa ibang bansa tulad sa Amerika.

Pero ang malinaw sa nangyari kay Diez, nasa likod niya ang buong komunidad ng LGBTQIA+ para magbigay sa kaniya ng suporta at legal na ayuda. Eh ang karaniwang manggagawa na janitress? Sabi sa mga ulat, inalis na raw sa mall ang janitress at hindi raw nila ito direktang empleyado. Ibig sabihin, posibleng nagtatrabaho siya sa isang agency na nagbibigay ng janitorial services. In short, baka ENDO worker pa si ate, at baka nawalan pa ng hanapbuhay.

Gayung kung tutuusin, wala naman siyang kasalanan kung sakaling hindi ipinapaalam sa kanila ng kanilang pamunuan ang tungkol sa gender equality issue. Pero sabi sa pahayag ng mall, pinapangalagaan nila ang karapatan ng lahat ng kanilang kusto-mer. Sa ganitong tono, mukhang lalabas na kasalanan lang tala-gang mag-isa ni janitress ang lahat.

Ngayong nagbabanta raw ng demanda si Diez laban sa mall at sa janitress, hindi maiwasang matanong ng ilan nating kurimaw, hindi kaya biktima naman ng diskriminasyon sa isyu ng kalagayan sa buhay ang janitress? Ang mall kasi, kayang-kayang idepensa ang kanilang panig sa korte, pero si ate janitress, papaano na? Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy