Una sa Balita

Istrikto si Coach Tab

0 396

Mga ka-Abante, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta at mapanood ang ensayo ng Ateneo Blue Eagles, nakapanayam ko rin ang top players ng team at si Coach Tab Baldwin.

Nasaksihan ko mga ka-Abante kung paano ang hirap nila sa practice, talagang hindi nakapagtataka kung bakit 14-0 ang record nila. Hindi madali ang maging student athlete, priority ang basketball ngunit mas kailangang pagtuunan ng pansin ang academics.

Hindi puwedeng puro papogi lang sa loob ng court, kung pogi ka sa court, aba, dapat lang ay mas pogi ka sa mga mata ng professor mo. Kailangang ma-maintain ang grades upang makapaglaro, hindi dahil varsity ka ay ball is life na lang parati, academics is lifer dapat. Hehe.

Pero totoo ‘yan mga ka-Abante, responsibilidad ang pagiging student athlete, kailangan ng disiplina at tiyaga, isama mo pa riyan ang pasensiya.
Naibahagi ni Thirdy Ravena na minsan na siyang nadale dahil sa kanyang academics, dahil doon, mas pinahalagahan niya ang pag-aaral kasabay nang pagmamahal niya sa larong basketball.

Bilang estudyante ay kahanga-hanga si Thirdy, tapos na siya sa kanyang Bachelor’s Degree, sa kasalukyan, siya ay kumukuha ng MBA. Kung basketball never stops, para kay Thirdy, learning should never stop rin.

Kung tutuusin ay hindi siya masyadong hirap sa pagbabalanse ng kanyang oras para sa basketball at para sa kanyang Master’s, twice a week lang ang kanyang klase kaya naman marami siyang nabibigay na oras para sa Blue Eagles.

Nakakatuwa mga ka-Abante dahil nakita ko ang ibang side niya, sa court ay napakaangas niya, pero sa labas nito, isang humble na tao ang aking nakilala.

Nakita ko sa kanya ang isang atleta na karapat-dapat na hangaan, masipag sa practice, maliksi sa drill, higit sa lahat, walang yabang sa katawan kahit na puno ng success at achievements ang nakapalibot sa kanyang pangalan.

Si Captain Mike Nieto naman ay lumabas ang pagiging magalang na bata, marunong rumespeto at pagiging mapagmahal sa pamilya. Ang pagsasalita sa harap ng maraming tao ang enjoy na enjoy niyang gawin, maging ang pag-aaral ay kanyang gustong-gusto.

Isipin n’yo ‘yon mga ka-Abante, you really can’t judge a book by its cover. Sa kabila ng tikas niya sa court, ang pagiging public speaker pala ang isa sa gusto niyang gawin.

Pansin naman ito sa aming panayam sa kanya, ­angat ang pagiging speaker niya sa bawat pagsagot niya. Habang si Coach Tab naman ay lumabas ang pagiging perfectionist, kung ganyan naman ang coach mo ay siguradong walang lugar para magkamali.

Hindi dahil hindi ka niya gusto, kundi dahil gusto niyang mas galingan mo pa ang bawat ginagawa mo. Hindi ka nga naman kasi dapat tumigil para paghusayan at higitan pa ang iyong previous performance. Kung magaling ka ngayon, dapat bukas malupet ka na. Kahit sabihin ni Coach Tab na hindi sila unbeatable, masasabi mo pa rin na walang tatalo sa sistema niya dahil ang kanyang team ay laging after sa ikabubuti at ikagagaling ng bawat isa sa kanila.

Hindi uso sa kanila ang mag-settle sa kung ano lang ang sa tingin nila ay okay na, ang Blue Eagles ay doon sa part na sobra pa sa sapat, kaya nga naman wala pa silang talo ngayong Season 82.

Istriktong coach si Coach Tab, mahirap raw siyang i-please ngunit puno ng aliwalas ang aura ni coach habang siya ay kausap namin, kabaligtaran sa nakikita nating Coach Tab sa gitna ng laro.

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan. Martes 6pm. Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy