Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Istapador na Koreano nakorner sa Pampanga

0 111

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang takas na Koreano na wanted sa Seoul dahil sa paghuthot ng malaking pera at panloloko sa dalawa niyang kababayan.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Lee Beomseok, 42, na hinuli ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) noong Huwebes sa isang restoran sa Angeles City, Pampanga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Morente na naglabas siya ng mission order laban kay Lee sa kahilingan ng mga awtoridad sa South Korea sa Maynila dahil sa kaso nito sa kanyang bansa.

Nakakulong ngayon ang dayuhan sa detensyon ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang kanyang deportasyon. (Mina Navarro)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.