Una sa Balita

Issa Pressman aminadong bisexual

0 834

Hiwalay na sa dyowang girl?

Career at personal growth ang ginawang rason nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang break up, ayon sa joint statement nilang inilabas ng “Tonight with Boy Abunda” nu’ng isang gabi.

Hindi raw ‘yung dahilan na naglabasan sa tabloids at social media ang rason, sabi pa sa statement.

Nang itsek namin ang trending hashtags sa Twitter kahapon, lumutang ang hashtags na #Jadine, #JamesReid, #NadineLustre at #IssaPressman.

Na-curious kami kung bakit napasama sa trending hashtags ang name ni Issa. Halos iisa ang laman ng tweets ng netizens, huh!

Si Issa ang itinuturong dahilan nang diumano ay break-up nina James at Nadine! Dagdag na tweets ng iba, nag-cheat daw si James kay Nadine! Totoo kaya ito?

Eh isa pa naman daw si Issa sa circle of friends ni Nads! At katunayan, madalas silang magkasama, at nu’ng Bagong Taon nga ay magkasama rin sila.

Tanong ng marami, “Is this true?” Ayaw namang maniwala ng iba dahil iba raw ang sexual preference diumano ni Issa, huh! Kunsabagay, taong 2018 nu’ng lumabas ang mga artikulo, video na nagsalita si Issa tungkol sa kanyang pagkatao.

Inamin nga niya na isa siyang bisexual, at isang babae ang karelasyon niya nu’ng time na ‘yon. Makikita naman sa mga artikulo sa internet ang ginawa niyang pag-amin. Teka, hiwalay na kaya siya sa dyowa niyang girl?

Anyway, nang halungkatin namin ang Instagram ni Issa, nasa Amsterdam ang location ng picture niyang naka-post na may caption na, “The cold bothers me, elsa.”

Last May 25, 2012 naman ng huling tweet niya sa Twitter. May 22, 2019 ang huli niyang post sa kanyang Facebook page.

Kisses nakasabay sa husay ni Ai Ai

Wala pa ring kupas ang galing sa comedy at drama ni Ai Ai delas Alas dahil muli niyang pinamalas sa Regal movie niyang “D’Ninang” ang husay niya.

Ninang ng Bayan ang role niyang ala-Robin Hood dahil lahat ng nakukuha niya sa pagnanakaw eh itinutulong niya sa nangangailangan.

Nakasabay naman si Kisses Delavin sa husay ni Ai Ai at dama rin ang chemistry nila ni McCoy de Leon. Magaling si Angel Guardian at pasado rin ang acting ni Kelvin Miranda.

Damhin muli ang kurot sa puso sa panonood ng “D’Ninang” mula sa direksyon ni GB Sampedro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More