Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Israel vs Hamas, mga apektadong OFW niligtas

0 62

Iniulat ni Overseas Workers WelfareAdministration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na inilikas na ang mga Pilipinong nananatili sa mga lugar na apektado sa sagupaan sa pagitan ng mga puwersang panseguridad ng Israel at mga rebelde ng Hamas sa Gaza Strip.

Ayon kay Cacdac, ang tatlong mga lugar na apektado ng kaguluhan ay kinabibilangan ng Ashkelon at Ashdod na pinakamalapit sa Gaza Strip na papunta sa Tel Aviv, at ang Gaza Strip mismo.

Sa ngayon aniya, wala pang nai-ulat na Pilipinong nasawi sa mga nasabing bansa na may hidwaan.

Nitong Enero, sinabi ng Department of Foreign Affairs na nasa 29,473 mga Pilipino na ang naninirahan at nagtatrabaho sa Israel. Sa bilang na nabanggit, karamihan ay bilang caregiver at household service worker.

(Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.