Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Israel rumesbak sa Gaza

0 52

Nagpakawala ng air strikes ang Israel sa Gaza Strip kahapon bilang resbak ng mga ito sa Palestinian rocket fire na isinagawa sa kanilang teritoryo.

Sa report, ayon na rin sa military sa Israel, bunsod na rin ito sa patuloy na girian ng Israel at Palenstine matapos makatakas sa maximum security Israeli jail ang anim na militanteng Palestinian kung saan balik-kulungan na ang apat.

Nauna rito’y nagpalipad ng mga rocket ang Gaza militants sa Israel.

Ayon naman sa Israeli military, ang pinakawalan nilang rockets ay para sa mga Hamas, ang Islamist armed group na namumuno sa Gaza.

Leave A Reply

Your email address will not be published.