Una sa Balita

Israel GM toka kay Antonio sa Round 6

0 408

MAPAPALABAN nang todo sina Pinoy GM Rogelio ‘Joey’ Antonio at IM Angelo Young sa Round 6 ng FIDE World Seniors 2019 Chess Championships na ginaganap sa Rin Grand Hotel sa Bucharest, Romania.

Nakapuwersa ng draw si Antonio kay GM Milos Pavlovic ng Serbia kaya nakapagtala ito ng apat na puntos para makisiksik sa fourth hanggang 15th place.

Umabot ang laban nina 13-time Philippine Open champion Antonio at Pavlovic sa 24 moves ng Sicilian defense, Alapin variation.

Sina Antonio at Young ay parehong lumalaro sa 50-and-above category.
Ang kampanya ni Antonio ay suportado ng Philippine Sports Commission, (PSA) sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez at ng Prage Management Corporation (Abante/Abante Tonite).

Nakatoka kay Antonio si GM Ram Soffer ng Israel. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy