Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Israel binati ang Pilipinas sa maayos na halalan

0 42

Sa kabila ng nararanasang kaguluhan sa kanilang bansa, hindi nagpahuli ang pamahalaan ng Israel para batiin ang gobyerno ng Pilipinas sa maayos na eleksiyon sa bansa noong Lunes.

“We congratulate the Philippines for demonstrating democracy through the national and local elections last May 9,” ayon sa isang paha­yag ng Israel Embassy sa Maynila.

Sinabi ng embahada na sa pagpapalit ng administrasyon ay patuloy pa rin nilang paiiralin ang maganda at maayos na pakikipagrelasyon sa Pilipinas.

Anila, umaasa silang lalo pang magiging matatag ang kanilang relasyon para sa mas matibay na partnership sa sektor ng agrikultura, seguridad sa pagkain, tubig, turismo, teknolohiya at depensa.

Nauna nang bumati ang US at China sa tagumpay ng tambalan nina presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio at parehong umaasa ang dalawang bansa ng mabuting pakikipagrelasyon sa papasok na bagong administrasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.