Una sa Balita

ISPORT LANG!: Uichico assistant sa Gilas

By
0 124

Ngayong araw ang unang practice ni Nash Racela bilang bagong coach ng TNT Tropang Texters kapa­lit ni Jong Uichico.

Naibulong ito sa atin ni TNT team manager Virgil Villavicencio noong Sabado sa PBA Press Corps Awards Night sa Gloria Maris sa Cubao, Quezon City.

Sa  sinabing ito ni Villavicencio, nabigyang  wakas na ang  halos isang linggo nang mga espekulas­yon  tungkol sa mangyayaring palitan ng coach sa Tropang Texters.

Kumalat ang balitang papalitan na si Uichico matapos na ma-upset ng Meralco Bolts  ang TNT sa semifinals ng katatapos na Governors’ Cup na pinagwagihan ng Barangay Ginebra.

Nagdesisyon ang MVP Group na italaga si Racela bilang head coach matapos ang meeting noong Sabado kaugnay ng ginawang assessment sa pangu­nguna ng big boss Manny V. Pangilinan, Ricky Vargas, Patrick Gregorio at Villavicencio.

Ito ang unang pagkakataon na magiging head coach si Racela sa PBA na unang ibinigay ang kanyang serbisyo bilang assistant coach sa grupo ng San Miguel Corp.

Naging assistant na rin si Racela sa Coca-Cola,TNT at sa national team.

Napansin ang husay ni  Racela sa pagko-coach nang madala niya sa kampeonato ang FEU Tamaraws at maging mentor ng Gilas sa SEABA Champion­ship sa Thailand.

Tungkol naman kay Uichico, sinabi ni Villavicencio na magsi-serbisyo si Uichico bilang 1st assistant coach kay national mentor Chot Reyes sa ­Gilas Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy