Una sa Balita

ISPORT LANG!: Sports suportado ni PDigong

By
0 185

Ilang araw pa lamang matapos i-appoint ni President Digong Duterte si William Ramirez bilang chairman ulit ng Philippine Sports Commission (PSC) ay agad nang nagtrabaho ang mama.

Noong July 11 ay nagsumite na si Ramirez kay Executive Secretary Salvador Medialdea ng sulat kaugnay ng hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games sa 2019.

Sakaling maaprubahan ni President Digong, ang Davao ang magiging sentro ng biennial meet.

Well, malaking kawkawin ang pagho-host ng SEAG, pero naniniwala ang Isport Lang! na kaya ito ni Ramirez dahil sa kanyang malawak na karanasan bilang chair ng PSC at siyempre sa tulong na rin ng pangulo ng bansa at pribadong sector.

Walang duda na makakakuha si Ramirez ng garantiya mula sa Malacañang dahil kasama ang  Philippine sports na gustong matulungan ni President Digong.

Bilang patunay na malambot ang puso ng pangulo sa mga atleta ay  pinasasama pa ni President Digong si PSC chair Ramirez at Presidential Adviser on Youth and Sports Dennis Uy sa delegasyon ng Pilipinas na umalis nitong Sabado ng gabi patungo sa 2016 Rio Olympic Games sa Brazil.

Bukod pa rito ang ibinigay na dagdag ni Presidente Digong sa allowances ng mga atleta na lalahok sa Olympics sa Brazil.

Ang dalawa ang tatayong kinatawan ng gobyerno sa Rio Games.

Kaya lang baka hindi na makahabol na mabigyan ng accreditation sina Ramirez at Uy dahil matagal na yatang sarado ang  accreditation office ng Rio Games.

Kabuuang 12 atleta natin ang magtatangkang manalo ng gold medal sa Olympics  kasama ang 17 opis­yal. Mas marami pa ang official kesa sa athletes!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More