Una sa Balita

ISPORT LANG!: Sino si Jessie Magdaleno?

By
0 134

Marami ang nagtatanong sa kredensiyal ng makakasagupa ni Nonito “The ­Filipino Flash Donaire” sa undercard ng title fight ni senator Manny Pacquiao at WBO welterweight champion Jesse Vargas sa Nobyembre sa Las Vegas.

Siya si Jessie Magdaleno, 24 years old, isang southpaw at may record na 23-0 (17 KOs),  walo dito ay sa first round lahat at WBO No.1 contender.

Bagama’t masasabing baguhan, hindi maaring mag-kumpiyansa ang 33 years old na si Donaire, na kasalukuyang hawak ang super-bantamweight ­division ng WBO, kung pagbabasehan ang record ni Magdaleno.

Noong Abril, matagumpay na nai-depensa ni Donaire ang kanyang ­korona kontra sa Hungarian na si Zolt Bedak sa pamamagita ng 3rd round KO sa harap ng libu-libong kababayan natin sa Cebu Sports Complex.

Mandatory title defense ito ni Donaire sa dating bakanteng WBO super bantamweight title. ­Nasikwat ni Donaire ang WBO title matapos na talunin si Cesar Juarez ng Mexico sa pamamagitan ng puntos noong Disyembre sa Puerto Rico.

Noon namang  Pebrero (2016) pinabagsak ni Magdaleno si Rey Perez sa 7th round sa Phoenix, ­Arizona

Tulad ni Donaire, ang Top Rank din ang promoter ni Magdaleno na nag-pro noon lamang 2010.

Sa totoo lang bago ikasa ni Top Rank Bob Arum si Magdaleno, ang rematch kay Guillermo ­Rigondeaux ng Cuba ang target ni Donaire.

Kung kailan lang ibinigay sa Cubano ang WBA title na binakante ni Carl Frampton ng Belfast.

Noong 2013, bumangon si Rogondeaux mula sa knockdown at tinalo sa pamamagitan ng puntos si Donaire sa sagupaang idinaos sa New York City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More