Una sa Balita

ISPORT LANG!: Referees bantay-sarado ni Kume

By
0 2

Sa unang pagkakataon, nakaupo din sa wakas sa VIP seat ng Smart Araneta  ang Isports Lang! habang naglalaban ang Blackwater at Alaska noong Linggo.

Dahil wala namang nakaupo sa nasabing puwesto, niyaya ni Media Bureau chief Willie Marcial  ang Isport Lang!, Nelson Beltran ng Star at Noli Cortez ng Malaya na umupo sa VIP row.

Habang nanonood, napansin ng Isport Lang! si PBA Kume Chito Narvasa na may hawak na ballpen at yellow pad na nakapatong sa maliit na mesa  sa kanyang harapan  na  tila nagko-cover din ng laro.

Abante Hiring – IT dep

Na-curious ang Isport Lang! at nagtanong kay Marcial kung ano ang sinusulat ni Kume Chito.
Ayon kay Marcial, sinusulat ni Kume ang mga maling tawag ng mga referees, kung anong oras at  quarter ng laro nangyari.

Matapos ito ay pag-aaralan  ni Kume ang sitwas­yon at saka isusumite sa technical committee para i-review kasama ang referee.

Dito nabatid ng Isport Lang! na hindi lang pala basta nanunood si Kume ng laro tulad ng pagkakaalam ng marami.

Tulad din siya ng mga sportswriters na kailangang bantayan nang husto ang laban para maisulat ang kumpletong detalye ng isang partikular na laro.

Kay Kume, kailangang bantay-sarado ang performance ng isang referee  sa tawagan para na rin sa ikagaganda ng laro.

Sa huling apat na minuto ng second quarter ng sagupaang pinagwagihan ng Blackwater kontra Alaska, 103-100, biglang pina-sub ang isang referee ­dahil sa isang masamang tawag.

Ipinakita sa referee ng technical committee head na kalapit lamang ni Kume ang kanyang naging pagkakamali sa pamamagitan ng monitor.

Ayon kay Marcial, hindi lamang ang masamang tawag kung bakit pinapa­litan ang isang referee.

Pinapalitan sila kung masyado nang nakakainitan ng isang coach o pagod na.