Una sa Balita

ISPORT LANG!: PBA at SBP ‘di pa nagkakasundo

By
0 124

Hanggang ngayon hindi pa rin pala nagkakasundo ang PBA at SBP kung ano talaga ang solusyon sa FIBA format competition na six home-and-away windows para sa qualifying tournament sa 2019 World Cup at 2020 Tokyo Olympics.

Ang issue dito ay ang tinatawag na common draft at option na split draft ng mga players.

Ayon kay PBA commissioner Chito Narvasa, pabor siya sa common draft  sa lahat ng players na isasagawa sa Oct. 30 kesa sa  split draft.

Sa split draft,  ibubukod ang pagpili ng players mula sa Gilas pool sa iba. Ibig sabihin nito ang mapipiling players ay bibigyan  ng rights at makakabalik lamang sa paglalaro sa PBA kapag nai-release na mula sa national pool.

Para kay Narvasa, hindi na kailangan pa ang split draft dahil ang player na ida-draft ng PBA teams ay maari namang i-pull out anytime para maglaro sa national pool tulad rin ng ibang PBA players.

Dahil mahalaga sa isang player na maging aktibo sa malakas na kumpetisyon tulad ng PBA, sabi ni Narvasa.

Hindi man aminin ni Narvasa, ayaw niya ang split draft dahil kung ito ang gagamitin maraming superstar players ang mawawala pansamantala sa PBA at malaki ang magiging epekto nito sa gate receipts ng liga.

Gusto rin ni Navasa ang 15 o 16 members ng national pool na maaring umabot pa sa 24 kasama na ang mga PBA players.

Kailangan din na pre-selected ang mga players  para  kung dumating na ang oras na kailangang i-porma na ang team para sa  home-and-away windows maraming mapagpipilian ang national coach at hindi rin masosorpresa ang mother team ng PBA players.

Naka-sked ang anim na home-and-away windows sa Nov. 2017, February, June, September at Nov. 2018.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy