Una sa Balita

ISPORT LANG!: Mitra dapat magpaliwanag

By
0 446

May katwiran yata si Senator Manny Pacquiao na magsulong ng bill na bubuo  sa  Philippine Boxing Commission (PBC) na nakabukod o wala sa ilalim ng bagwis ng Games and Amusement Board (GAB) .

Nasabi ko ito base sa e-mail na ipinadala sa Isport Lang! nu’ng isang araw mula sa hindi nagpakilalang kaibigan.

Nakasaad du’n na ang 21-year-old na si Eugene Lagos nang lumaban sa Tijuana, Mexico last April 2  ay manager lamang ang kasama at walang trainer.

Sabi nang nag-e-mail, puwede ba ‘yun?

Sa tingin niya dapat na magpaliwag ang si GAB chair Ambraham Mitra sa isyung ito kung bakit pinayagan niyang sumagupa si Lagos sa malayong lugar na walang trainer.

Base sa napanood kong video kung saan tulog si Lagos sa third round kay No. 1 WBO Jr. featherweight  contender Cesar Juarez, wala talaga akong nakitang mukhang Pinoy sa corner ni Lagos. Mahirap i-deny ito ni Mitra dahil ipinalabas sa US ang sagupaan.

Kung wala kayong ideya kung sino si Juarez, siya rin ang nagpabagsak kay Albert Pagara noong nakaraang summer at kay Richard Pumicpic noong Oktubre sa Cabo, San Lucas.

Nasabi rin sa Isport Lang! ng misteryosong e-mailer na hindi  ito ang unang pagkakataon na lumaban si Lagos na walang trainer at manager lang ang kasama.

Noong Feb. 23 bago ang laban kay Juarez,  tiklop din si Lagos kontra kay Valery Tretyakov sa sagupaang idinaos sa Nizhny Tagil, Russia. Unanimous decision ang resulta ng laban .

Ito ba ang sinasabi ni Mitra na walang naiiba sa PBC bill ni Senator Pacquiao dahil lahat nang nabanggit ni Pacquiao sa interpellation ilang linggo bago mag-recess ang Senado ay ginagawa na ng GAB sa ilalim ng kanyang pamamahala?

Sa palagay ko, sakaling nakarating na ang isyung ito kay Senator Pacquiao, ihaharap si Mitra sa ­senate hearing para pagpaliwanagin.

Sa ngayon, hindi muna mahaharap ito ni Pacquiao dahil magiging abala siya nang husto sa kanyang preparasyon kontra kay Aussie Jeff Horn sa July 2 sa Brisbane, Australian.

Maganda ito at talagang kaabang-abang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy