Una sa Balita

ISPORT LANG!: Duda sa Tokyo Olympics

By
0 80

Harinawang magkatotoo ang paulit-ulit na pahayag ni weightlifting Olympic silver medalist Hidilyn Diaz na bubuhat pa siya sa 2020 Tokyo Olympics.

Pero sa kabila ng kanyang mga pahayag, may ilang nagdududa kung matutupad niya ang pangako bilang top gold medal prospects sa Tokyo Olympics.

Ito ay sa dahilang nakalasap na si Hidilyn ng kasikatan at ginhawa sa buhay dahil sa milyun-milyong pi­song naibulsa dahil sa kanyang silver medal performance sa Rio Olympics.

Sa kabuuan, umaabot sa 7.5 million pesos ang natanggap ng 25 years old na Zamboangueña bilang insentibo sa pagbibigay-wakas sa 20 taong pagka-uhaw ng Pilipinas sa medalya.

Bukod pa rito ang  house and lot  sa Clark, Pampanga.

Isa nga sa nangangamba ay si PSC chair Butch Ramirez na baka agawin din  ng showbiz si Hidilyn, tulad ng nangyari kay Atlanta Olympics boxing silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco na nag-artista matapos ang Olimpiada.

Hanggang ngayon nga may insentibo pa na hindi nakukuha si Onyok na ini­lapit niya kay senator Manny Pacquiao at Ramirez.

Kung sabagay tama rin si Hidilyn, na bagama’t gustung-gusto niyang makalarong muli sa Tokyo Olympics ay hindi pa rin masasabi kung ano ang mang­yayari sa hinaharap.

Mahaba-haba rin ang apat na taon at talagang walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy