Una sa Balita

ISPORT LANG!: Cardona nagpapagaling na 

By
0 2

Ang bilis naman ng mga pangyayari sa isyu nitong si MacMac Cardona ng NLEX Road Warrios.

Kung hindi ako nagkakamali, ibinalita ng  isang TV network na nag-away noong Sabado o Linggo si MacMac at ang kanyang live-in partner at nagkasakitan.

Ayon sa balita , dumulog sa Barangay ang kanyang partner at nagsumbong na umano’y sinaktan siya ng basketbolista.

Abante Hiring – IT dep

Walang statement na inilabas ang TV Network mula kay MacMac at video lamang  niya ang ipinakita.

Kagabi, bandang alas-10:00 ay nakatanggap ng text message ang Isport Lang! mula kay PBA media Bureau chief Willie Marcial  at may  statement  daw ang NLEX team manager na si Ronald Dulatre.

 “We urge the public to allow MacMac and his family to have privacy at this difficult time,”sabi ni Dulatre. “MacMac is part of the NLEX Road Warrios team. We are provi­ding whatever assistance he needs from us during this time”.

Palaisipan sa Isport Lang! ang nasabing statement na ito ni Dulatre kaya nagtanong-tanong tayo.

Isang kasama sa trabaho ang nakapag-kuwento na  uminom ng hindi mabilang na do­sage ang player na na­ging dahilan ng pagkakaospital nito.

Sa pinaka-latest na balita ay out of danger na si MacMac  at nagpapagaling na.

May balita na problemado si MacMac sa pamilya at higit sa lahat sa kanyang career bilang basketball player, na ang performance sa NLEX ay masyado  mababa sa ngayon.

May balita rin na madalas na hindi nag-eensayo si MacMac nitong mga nakaraang araw  at mapapaso na rin umano ang kanyang kontrata sa NLEX ngayong Agosto 31.

Si Cardona ay dating naglaro sa De La Salle University at nakilala nang husto bilang isang magaling na player sa Talk n’ Text.