Una sa Balita

Isnilon Hapilon nasa Marawi pa

0 78

Kumbinsido ang Palasyo ng Malacañang na nasa Marawi City pa rin ang lider ng Abu Sayyaf Group na si Isnilon Hapilon, taliwas sa mga ulat na naispatan ito sa Basilan.

“Recent military assessments indicate that he is still very much in Marawi. Our forces are hot on their heels and it will only be a matter of time before we get him,” ani Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Sa kabila nito, ipinaberipika na rin sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa lahat ng law enforcement agencies ang report na nasa Basilan si Hapilon.

“We treat numerous reports saying that Isnilon Hapilon has left Marawi and has been seen openly in Basilan as raw information requiring further validation,” ayon sa tagapagsalita ng Palasyo

“Granting Isnilon Hapilon’s whereabouts in Basilan is true, it would mean that he chose to abandon his men as the battle of Marawi nears its final stretch,” katwiran ni Abella.

Ang ASG na grupo ni Hapilon ay tumulong sa teroristang Maute Group sa pagsalakay sa Marawi City noong Mayo 22 para sa hangaring magtayo ng Islamic State sa Mindanao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy