Una sa Balita

Islamic Jihad commander todas sa airstrike

0 393

NAPATAY sa nangyaring air raid ng Israel sa Gaza Strip sa Palestine ang isa sa commander ng Islamic Jihad.

Gumanti naman ang mga armed group sa pamama­gi­tan ng pagpapakawala ng mga rocket sa Israel.

Inanunsiyo ng group’s armed wing ang pagkamatay ng terrorist leader na si Bahaa Abu al-Atta, 42, sa isang statement nitong Martes, Nobyembre 12 matapos kumpirmahin ng Israel na tinarget nila ang commander.

Namatay din sa pag-atake sa isang gusali sa Shejaiya district ang misis ni al-Atta.

Inatake rin ng Israel ang bahay ng isa sa political leader ng grupo sa Syrian capital na Damascus.

Si Prime Minister Benjamin Netanyahu ang nag-utos ng pag-atake ng Israeli military laban kay al-Atta dahil ito aniya ang may pakana sa rocket, drone at sniper attacks laban sa Israel kamakailan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy