Una sa Balita

Isko nasapawan! Vico triple ang donasyon sa Mindanao

0 651

TINALBUGAN ni Pasig City Mayor Vico Sotto si Manila Mayor Isko Moreno sa palakihan ng pinadalang tulong sa mga nabiktima ng lindol sa Mindanao.

Aabot sa P14-milyon at mga relief goods ang ilalaan ng Pasig City Government sa mga nilindol sa Mindanao.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, magkakaroon sila ng agarang Sanggunian Session ngayong umaga para pormal na aprubahan ang donasyon, base na rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ipapamahagi nila ang P3 milyon sa munisipalidad ng Makilala, at tig-P2 milyon sa Tulunan, M’Lang at Kidapawan na pawang sa North Cotabato.

Ang munisipalidad ng Bansalan at Magsaysay sa Davao del Sur ay bibigyan nila ng tig-P2 milyon, habang P1 mil­yon naman sa bayan ng Matano.

Ang North Cotabato ay nahagip ng 6.3 magnitude na lindol noong Oktubre 16 at 6.6 magnitude noong Oktubre 29. Nasundan ito ng 6.5 magnitude noong Oktubre 31.

Nauna rito ay nagbigay din ng P5 milyon donasyon sa Mindanao si Mayor Moreno. Ang pera ay galing sa kinita niya bilang ta­lent fee bilang modelo. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy