Una sa Balita

Isko nagpasaklolo sa giyera vs botcha

0 284

PINAPAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang publiko na maging mapanuri sa kanilang binibiling karne para makaiwas makabili ng double dead na karne.

Ayon kay Manila Mayor ‘Isko’ Moreno dapat tiyakin na sariwa at ligtas ikonsumo ang nabiling karne.

Kasabay nito ay nanawagan rin si Moreno sa mga tindera ng karne na makiisa sa kampanya ng lokal na pamahalaan kontra sa botchang karne.

Dapat umanong dumaan sa mga accredi­ted meat establishment ang lahat ng ibinebentang karne.

Magsasagawa pa rin ng tuloy-tuloy na routine inspection ang Manila Veterinary Inspection Board (MVIB) sa lahat ng pamilihan sa lungsod para maghanap ng mga karneng botcha.

Samantala, daan-daang kilo ng hot meat ang nakumpiska ng MVIB inspector sa Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy