Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Isko may pa-Christmas food pack sa 650K Manileño

0 433

Nakasisiguro na ang may 650,000 pamilya sa Maynila na may pagkain sa kanilang hapag-kainan sa darating na Pasko.

Ito’y matapos ianunsiyo ni Mayor Isko Moreno na sinisimulan na nila ang proseso ng pagbili ng mga Christmas food package para sa mga pamilyang Manileño.

“We have started acquiring Christmas packs. Protect it, keep it safe. Hindi pa ito kumpleto pero tayo ay preparado na,” ayon kay Moreno sa lingguhang Management Committee Meeting ng lokal na pamahalaan.

“Kahit papaano sa Pasko may mapagharimunan sila because 50% of that load is dedicated for Christmas, at least mayroon silang spaghetti, macaroni… mababawasan ang gutom ng mga taga-lungsod. Hindi magarbo pero may mapapagharimunan,” dagdag pa ni Moreno.

Nalaman na may handog din na karagdagang gift pack at limang kilo ng organic rice na mula pa sa Mindanao para sa mga senior citizen ng lungsod. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.