Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Isko mauunang magpabakuna kontra COVID-19

0 458

Para ipakita na ligtas ang bakuna laban sa coronavirus disease na gagamitin ng lokal na pamahalaan, mauuna si Manila Mayor Isko Moreno na magpaturok nito.

Ayon sa alkalde, may nakalaang P250 milyong pondo na pambili ng bakuna para sa lahat ng Manileño.

SM food to go Banner Ad

Sa ngayon ay pinaplano na pa aniya ng lokal ng pamahalaan kung sino ang mga unang tuturukan ng bakuna sa lungsod.

Kamakailan nang makipag-virtual meeting si Moreno sa mga opisyal ng American pharmaceutical company na Pfizer upang ipaalam ang kahandaan ng pamahalaang panglunsod na bumili ng inisyal na P250 milyong halaga ng bakuna.

Magugunitang inanunsyo ng Pfizer at German firm BioNTech na lumabas sa isinagawang mga trial nila na 90 porsyentong mabisa ang kanilang bakuna laban sa virus. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.