Una sa Balita

Isko lodi ni Digong

0 384

Humanga si Pangulong Rodrigo Duterte kay Manila Mayor Francisco Domagoso o mas kilala bilang Isko Moreno dahil sa mga ipinatutupad na pagbabago sa Lungsod ng Maynila.

Sinabi ng Pangulo na bukod sa mahigpit na paglilinis sa lungsod ay bilib din ito kay Mayor Isko dahil mahusay itong magsalita.

Katunayan ayon kay Pangulong Duterte ay mas mahusay ang alkalde sa kanya kaya nanonood ito sa kanyang mga talumpati.

“Bilib ako sa kanya kaya nanonood ako sa kanya kung nagsasalita siya. Mas mahusay siya sa akin, sa totoo lang. Oo, may nakita ako na mas mahusay ang resolve niya kaysa sa akin. Plus two ako sa kanya,” anang Pangulo.

Marami ang napahanga ng alkalde ng Maynila dahil sa sini­mulang paglilinis sa mga pangunahing lugar sa lungsod na ginaya na rin ng iba pang mga alkalde sa Metro Manila.

Ito rin ang naging daan para magbigay ng deadline ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng alkalde sa bansa na linisin ang kanilang mga lugar at ang hindi makakatugon ay sususpendihin o aalisin sa puwesto. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy