Una sa Balita

Isko ibibigay ang ‘di nabigay na sahod ni Erap

0 545

TINIYAK ni Manila Mayor-elect Isko Moreno na ibibigay sa mga job order na empleyado ang kanilang suweldo.

“Nagserbisyo sila sa lokal na pamahalaan kaya kailangan na ibigay sa kanila ang kanilang mga suweldo,” ayon kay Moreno.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno matapos na makarating sa kanyang kaalaman na maraming JO ang hindi nakakatanggap ng kanilang suweldo.

Gaya umano ng mga miyembro ng Manila Traffic and Parking­ Bureau (MTPB) na anim na buwan nang hindi nakakatanggap ng kanilang mga suweldo.

“Huwag na kayong mag-alala at makakatulog na kayo ng mahimbing,” ayon kay Moreno.

Si Moreno ay magsisimulang manungkulan sa darating na Hulyo 1. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy