Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Isko hinamon ng heneral

0 351

Hindi nagustuhan ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ang utos ni Mayor Isko Moreno na tanggalin ang mga tarpaulin na nagdedeklara sa New People’s Army (NPA) bilang persona non grata o hindi welcome sa lungsod ng Maynila.

Sa kanyang Facebook post, kinuwestyon ni Parlade ang ginawang pagpapatanggal ni Moreno sa mga anti-NPA tarpaulin subalit nilinaw din ng heneral na wala siyang kinalaman hinggil sa paglalagay nito.

“I dont know who ordered it and Im not privy to latest decision of NTF ELCAC on this. But, why not? 96 cities nationwide already declared the CPP NPA as PNG so my question really is WHY JUST NOW in MManila?” sabi ni Parlade.

“Why would even Manila order the removal of this tarps? Is Mayor Isko welcoming this terrorist? Lets clarify from Yorme the basis for his action? Is it fear of retribution?” dagdag pa nito.

Panahon na rin aniya na marinig ang panig ng alkalde hinggil sa isyung ito.

“Will he now declare the NTF ELCAC persona non grata ni Manila instead?” tanong pa ni Parlade.

Miyembro si Parlade ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF ELCAC.

Samantala, sinabi ni Moreno na ipinambili na lang sana ng mga face mask ang ginastos sa pagpapagawa ng mga anti-NPA tarpaulin.

“We don’t need those kind of shenanigans. Sana ipinambili na lang ng mask `yong ginastos sa tarpaulin at ipamahagi sa mga utaw (tao), nakatulong pa kayo,” ayon kay Moreno.

“There is a pandemic, what we need is to continue to give hope to each and every one, spread love and compassion. Pilipino kapwa Pilipino ay magkaisa muna saka na ang politika sa gitna ng pandemya,” ani Moreno.

Aniya pa, may tamang panahon para sa “political beliefs and gains” pero hindi ngayon pandemya. (Kiko Cueto/Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.