Una sa Balita

Isko Gusi Peace Prize awardee

0 620

TATANGGAPIN ni ­Manila Mayor ­Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 2019 Gusi Peace Prize matapos magpakita ng walang ­kapaguran ­pagsusumikap para maisaayos ang Lokal na pamahalaan ng ­Maynila mula nang maupo ­bilang ika-27 ­alkalde ng ­Maynila matapos ang mid-term election noong Mayo.

Sa ­ipinadalang liham ni Hazim Dawud,President of the Board of ­Director ng Gusi Peace Prize International,nakasaad na nakita nila kay Moreno ang ­walang ­kapaguran na ­pagta­trabaho para sa ­kapakanan ng mga mamayan at ­paghaha­nap ng ­solusyon sa mga ­problema ng tao sa isang mapayapang ­pamamaraan.

­Nakapag-ambag umano ng malaki sa ­pamumuhay ng mga tao si Moreno sa ­pamama­gitan ng ­paglikha ng mga ­positibong pagbabago mula noong siya ay maupong ­alkalde.

Kinilala rin ng Gusi ang mga pag-aaral na ginawa ni ­Moreno na kumuha ng ­legislation and Local ­Finance sa University of the Philippines;Public ­Administration sa ­Pamantasan ng ­Lungsod ng Maynila; at kursong ­Leadership ang Hobernance sa John F.Kennedy School of Government sa ­Harvard University .

Inanyayahan rin si Moreno na ­tanggapin ang ­pagkilala sa ­Nobyembre 27 sa ­Philippine ­International Convention ­Center. ­(Juliet de ­Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy