Una sa Balita

Isko-Erap face off

0 389

NAGHARAP na sina Manila outgoing­ Mayor Joseph Ejercito Estrada at Mayor –elect Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso matapos na mag-courtesy visit ang huli sa tanggapan ng una sa Manila City Hall kahapon nang hapon sa Maynila.

Naging maayos naman ang paghaharap ng dalawa na inorganisa ng kani-kanilang ‘transition team’ simula pa noong Mayo 27.

“Noong 2013 mga susi lang ang binigay sa amin ng gobyerno ni da­ting Manila Mayor Alfredo Lim, nga­yon lahat ng departamento at opisina ay magbibigay ng report tungkol sa plantilla of personnel, inventory of property, mga records and other do­cuments.” ayon kay Estrada.

Kasabay nito, sinabi ni Estrada na umaasa siya na ipagpapatuloy o hihigitan pa niya ni Moreno ang mahahalagang programa ng kanyang admi­nistrasyon tulad ng suporta sa mga ospital, kasama na ang dialysis center at 100% serbis­yong medikal para sa lahat ng Manileño. Gayundin ang suporta sa Pamantasan ng Maynila, lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at high school.

Bukod pa sa P500, birthday gift sa lahat ng senior citizen at P100,000 allowance para sa mga centenarian, allowance ng mga guro at P2,500 sa mga pulis, pati na rin ang patuloy na pagpapailaw sa mga kalsada.

Samantala, nagpasalamat naman si Moreno sa mainit na pagtanggap sa kanya ni Estrada na nagpapakita lamang ng malawak nitong kaisipan.

Tiniyak naman ni Moreno na ipagpapatuloy niya ang anumang bagay na ginawa ni Estrada na mapapakinabangan ng mamayan ng Lungsod ng Maynila.

Nanawagan rin si Moreno sa lahat ng empleyado ng Lungsod na tulu­ngan siya sa pagbibigay ng serbisyo sa mamayan dahil hindi niya ito kakayanin mag-isa.

Kaugnay nito, bago pumunta si Moreno kay Estrada ay nakipagkita­ muna ito kay dating Manila mayor Alfredo Lim sa isang lunch at naki­pagpulong. (Juliet de Loza-­Cudia/Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy