Isko binigyan ng 50 sewing machine ng Turkish ambassador

Nakatanggap ng 50 high speed sewing machine mula kay Turkish Ambassador to the Philippines Artemiz Sumer ang pamahalaang panlungsod ng Maynila.
Nagpahayag naman ng pasasalamat sa donasyon si Mayor Isko Moreno, na dumalo sa turnover ceremony sa Universidad de Manila nitong Huwebes.
Magagamit daw iyon sa programang pangkabuhayan ng pamahalaang lungsod sa gitna ng coronavirus pandemic.
Bago noon ay nag-hire na ang city government ng mga jobless para manahi at maging master cutter ng isang milyong washable face mask.
Naipamahagi ang mga washable face mask sa may 670,000 na pamilya sa lungsod. (IS)
https://www.facebook.com/pnagovph/posts/3486708641411551