Una sa Balita

Isko bagong DSWD Usec

By
0 991

MULING binigyan ng puwesto sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte si da­ting Manila Vice Ma­yor Francisco Domagoso o mas kilala bilang Isko Moreno.

Kabilang si Moreno sa mga bagong appointee ng Pangulo bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Unang itinalaga ng Pangulo si Domagoso bilang chairman ng North Luzon Railway Corporation noong Hunyo 2017 pero nag-resign ito sa puwesto makalipas ang apat na buwan.

Sa ipinadalang text message, nagpasalamat si Domagoso sa muling pagtitiwala sa kanya ni Pangulong Duterte.

“Malugod po akong nagpapasalamat sa mu­ling pagtitiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating Pangulong Duterte. Ma­laking trabaho at responsibilidad po ito ngunit gagawin ko po ang lahat upang magampanan ang tungkuling iniatang sa atin sa abot ng aking makakaya para sa mga nangangailan nating mga mahihirap na kababa­yan,” ani Domagoso.

Pirmado ng Pa­ngulo ang appointment ni Domagoso na may petsang Mayo 8, 2018.