Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Isko bagong Aksyon Demokratiko presidente

0 111

Naihalal si Manila Mayor Isko Moreno bilang bagong pangulo ng Aksyon Demokratiko.

Ito ang kinumpirma ni Ernest Ramel, chairman ng Partido.

“We saw in Yorme someone with a clean track record, tangible accomplishments, and a vision that the party shares,”giit nito.

“We are confident that he will be able to help lead the party in its thrust to be a unifying force in an atmosphere of heavy political polarization,” dagdag ni Ramel

Nangyari umano ang pagkakaluklok kay Moreno sa pulong ng partido noong Martes ng gabi na dinaluhan ng mga opisyal at kasapi sa pangunguna ni Ginang Sonia Roco, co-founder ng Aksyon Demokratiko.

Nabatid na nanatili naman si Pasig Mayor Vico Sotto bilang executive vice president habang si Mayor Andres Lacson ng Tarlac ang bagong vice chairman ng partido.

Ilan pa sa mga naitalaga bilang opisyal ng Aksyon Demokratiko si Ramel bilang chairman, dating National Youth Commission Chair Leon Flores III, Secretary General; Manila Vice Mayor Honey Lacuna, vice president for Internal Affairs at Atty. Bobbit Roco, VP for external affairs. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.