Una sa Balita

Isko bad trip sa mga vendor sa Divisoria

0 880

HINDI napigil ni ­Manila Mayor Isko Moreno na ma-bad trip matapos na personal na makita ang ­nagkalat na mga basura na ­iniwan ng mga ­vendor ­kahapon ng umaga sa kahabaan ng Ylaya ­corner Claro M.Recto sa Divisoria,Maynila.

Alas 5:30 nang ­umaga nang ­dumating si Moreno kasama si ­Manila Police ­District ­Director Police Gen. Bernabe Balba sa lugar at nakita nito ang mga nagkalat na basura nagpasira ng umaga sa alkalde.

“Tingnan ninyo, oh walang mga kusa, o ­talagang mga salaula at ganito rin kababoy sa ­kanilang mga bahay,”gigil na ­pahayag ni Moreno na hindi malaman kung tutuloy pa o aatras sa paglalakad.

Maging ang isang ­vendor na nagtangkang bumati ng magandang umaga ay nasabihan ng akalde ng “Walang ­magandang umaga sa akin ngayon.”

“Pinapayagan namin kayo sa gabi na makapag­hanapbuhay para ­kumita pero ­tingnan naman ninyo ang ginagawa ninyo,” ayon kay Moreno sabay iling.

Sanhi nito ay ­iniutos ni Moreno sa MPD na huwag nang ­payagan ang mga vendor sa Ylaya na makapag night ­market sa gabi dahil sa mga pinabayaang ­basura. (Juliet de Loza-­Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy