Una sa Balita

ISIS threat sa PH Miss U, pinaghahandaan na!

By
0 145

Inaalam na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang authenticity at ang pinagmulan ng video na nagpapakita ng may banta umano ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa gaganaping Miss Universe sa bansa sa 2017.

Batay sa statement na ipinalabas ni Col. Edgar Arevalo, ng Public Affairs office ng AFP, nakapaloob dito na sineseryoso ng AFP ang anumang banta verified man ito o hindi.

Sinabi ni Arevalo na ang kanilang hakbang ay hakbang din ng iba pang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Philippine National Police (PNP) nang sa gayon ay maka­kilos na mapigilan ang anumang uri ng pananakot.

Gayunman, patuloy pa rin ang paninindigan ng AFP na walang presensya ng ISIS sa bansa at anumang grupo na nagpapakita ng konektado sa ISIS.

Sinabi ni Arevalo na posibleng ang mga nagpapakalat ng isyu ay may layon lamang na makakuha ng atensyon at maging ng pondo.

Samantala, nanawagan si AFP chief of staff Gene­ral Ricardo Visaya sa publiko na maging mapagmat­yag at mahinahon dahil ang ipinakikita sa video ay takutin ang taumbayan tulad ng ginagawa ng ISIS.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More