Una sa Balita

ISIS leader sa Afghanistan nadale sa airstrike

0 72

Napatay sa isinagawang airstrike ng United States ang namumuno sa Islamic State (ISIS/IS) sa Afghanistan na si Abu Sayed.

Ito ang kinumpirma ni Pentagon Spokeswoman Dana White, matapos maglunsad ng airstrike sa headquarters ng ISIS sa Kunar Province kung saan napatay rin ang ilan pang miyembro ng IS.

Nabatid na si Sayed ang pangatlong Islamic State leader sa Afghanistan na napatay mula pa noong Hulyo 2016.

Magugunitang naunang napatay sina Hafiz Saeed noong 2016 habang si Abdul Hasib ay napatay noong Abril 27.

Ayon kay U.S. Defense Secretary Jim Mattis malaki ang magiging impact sa IS ang pagkakapatay sa kanilang lider na si Sayed.

Nabatid na ang Afghan troops, ay suportado ng U.S. warplanes at special forces ay may isang taon nang nakikipagpalaban sa Islamic State sa eastern Afghanistan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy