Una sa Balita

Isinuka ng Lakers, Walton nilunok ng Kings

0 359

LIMANG minuto pagkarinig sa balitang sinibak na ng Los Angeles Lakers si coach Luke Walton, nasa telepono na agad si Sacramento Kings gene­ral manager Vlade Divac, kausap ang agent ni Walton.

Hindi nagtagal ay napinalisa ang deal. Si Walton na ang bagong coach ng Kings.

Nang matanggap ang tawag nitong Biyernes, hindi na tinuloy ni Walton ang unang plano na magpahinga muna. Kinabukasan ay lumipad na siya pa-Sacramento. Hapon ay tinanguan na niya ang deal at Lunes ay pormal na ipinakilala bilang coach ng Kings.

“I knew these types of offers don’t come avai­lable very often,” lahad ni Walton. “I love coachin­g, so having that opportunity with this type of talented team and doing it alongside somebody the way I feel about Vlade made it too good to pass up on.”

Tinawag ni Divac si Walton na kanyang basketball soulmate, pareho daw sila ng pilosopiya at estilo ng laro. Teammates ang dalawa sa Lakers 2004-2005.
Sinibak si Dave Joerger nitong Huwebes matapos ang 39-43 season, best record ng prangkisa sa nakalipas na 13 taon.

Dadatnan ni Walton ang in-assemble na team ni Divac: Guards De’Aaron Fox at Buddy Hield, forward Marvin Bagley III at center Willie Cauley-Stein. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy